Halaman Utama Shvoong > Buku > Bacaan Anak > ALAMAT NG AMPALAYA (BITTER GOURD)

.

ALAMAT NG AMPALAYA (BITTER GOURD)

Summary rating: 3 stars 18 Tinjauan
Pengarang : UNKNOWN
Review by : geekness
Kunjungan : 1647  kata: 600   Diterbitkan di: Nopember 21, 2007
Sa lupain ng sariwa ay naninirahan ang lahat ng uri ng gulay na may kanya-kanyang kagandahang taglay. Si Kalabasa na may kakaibang tamis, si Kamatis na may asim at malasutlang kutis,si Luya na may anghang, si Labanos na sobra ang kaputian, si Talong na may lilang balat, luntiang pisngi ni Mustasa, si Singkamas na may kakaibang lutong na taglay,si Sibuyas na may manipis na balat, at si patolan na may gaspang na kaakit-akit. Subalit may isan gulay na umusbong na kakaiba ang anyo, sya si Ampalaya na may maputlang maputlang kulay, at  ang kanyang lasang taglay ay di maipaliwanag.
Sa araw araw na nagdaan walang ginawa si Amplaya kung hindi ikumpara ang kanyan itsura at lasa Sa kapwa niya gulay, at dahil dito any nabuo ang isang maitim na balak.Nang sumapit ang gabi kinuha ni Ampalaya ang lahat ng magagandang katangian ng mga gulay at kanyan isinuot. Tuwang tuwa si Ampalaya dahil ang dating gulay na hindi pinapansin ngayon ay pinagkakaguluhan. Subalit walang lihim na hindi nabubunyag, nagtipon tipon ang lahat ng gulay na kanyang ninakawan at kanilang sinundan si ang gulay na may gandang kakaiba at laking gulat nila ng makita nilang hinuhubad nito isa isa ang mga katangian na dapat ay sila ang nagtataglay, at tumambad sa kanila si Ampalaya.Nagalit ang mga gulay at kanilang iniharap si Ampalaya sa diwata ng lupain,sinumbong nila nag ginawang pagnanakaw ni Ampalya. Dahil dito ay nagalit ang diwata at lahat ng magagandang katangian na kinuha ni Ampalaya ay kanyang ibinalik dito at laking tuwa ni Ampalaya dahil inisip niya na iyon lamang pala ang kabayarab sa ginawa niyang kasalanan, subalit makalipas ang ilang sandali ay nag iba ang anyo ni Ampalaya balat nya ay kumulubot dahil ang kinis at gaspang na taglay ni upo at kamatis ay nag-away sa loob ng kanyang katawan,maging ang mga ibat ibang lasa ng gulay ay naghatid ng di magandang panlasa sa kanya at pait ang dinulot nito, at ang kanyang kulay ay naging madilim.Mula noon ang luntiang gulay na si Ampalaya magpa hanggang ngayon ay hindi pa rin magustuhan dahil sa pait niyang lasa.

Moral Lesson: Maging kontento sa ano mang itsurang taglay. Huwag maging maiinggitin sa kapwa.


Resensi lain tentang ALAMAT NG AMPALAYA (BITTER GOURD)
Mohon ringkasan ini dinilai : 1 2 3 4 5


Tambahkan komentar Anda Tidak ada komentar

Ringkasan lain oleh geekness

More

Read Free Summaries - Write and Get Paid

Summarize Human Knowledge on Shvoong. Join us!

------